Wednesday, November 6, 2019

FIERY HEARTS SERIES

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 3:16 AM 0 comments
So may bago akong project para sa sarili ko, haha! At siyempre para i-update ang blog na ito dahil 1000 years na akong hindi nakakapag-post ng blog. 


Diyaranski!!!

Sila Levi at Addie. Book 1 ng Fiery Hearts Series ko. Mini series lang naman kaya sana mapanindigan, ahaha! Pero nag-e-enjoy akong sulatin ito. Another erotic-romance novel. :) 





Follow me ♥

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 3:11 AM 0 comments
FACEBOOK: Heidi Starr
FACEBOOK PAGE: Heidi Star PHR
TWITTER: imaginative09
INSTAGRAM: heidistar09 / imaginative09


Hot Strings Attached by Heidi Star

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 2:59 AM 0 comments

“Let’s explore the fire between us.” 

Isang estranghero ang nakilala ni Mandy sa masquerade party ng mommy niya. Alam niyang sa likod ng puting maskara ng lalaki ay nagtatago ang isang guwapong mukha. Attracted agad dito si Mandy. At nang magtagpo ang kanilng mga mata, bumilis ang tibok ng puso niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init, isang nakakakiliting init na ngayon lang niya naramdaman. Hindi lang niya natitigan ang lalaki, nakahalikan pa niya at hinayaang makasama sa mainit na tagpo. She could only moan in intense pleasure. Binuhay ng lalaking nakaputing maskara ang kanyang sensuwalidad. At gusto pa niya iyong maramdaman. Ang bawat halik… at bawat haplos nitong nakakawala sa katinuan.

-

So this is my latest release book! My first ever erotic-romance novel. Dumugo utak ko habang isinusulat ko `to, eh, kaya ang saya ko na-publish din sa wakas, haha! 

ANAIS POULIOT
Visual ko para kay Mandy Santillan.


FRANCISCO LACHOWSKI
Visual ko para kay Blake Peralta.


















Saturday, October 8, 2016

Revising a returned manuscript...

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 4:00 PM 0 comments
I was browsing my E-mail. Hinanap ko ang ipinasa kong manuscript sa PHR noong 2011. “My Sunshine” ang title niya. At hindi siya nakapasa. Balak ko kasing i-revise ang nobelang iyon dahil… Ewan ko kung ano ang maitatawag ko dito, parang “calling”? HAHAHA! Ganito din kasi ang naramdaman ko sa na-reject kong MS na ni-revise ko. Parang tinatawag ako ng story mismo na baguhin ko at ipasa ulit. At ito na nga ang nangyayari sa akin sa My Sunshine. Ilang araw ko na iyong naiisip. Nakakaisip na rin ako ng kilig scenes at conflict. Marami akong babaguhin sa nobela.

Sa My Sunshine, aspiring musician ang hero na boyfriend na ni heroine. Nang sumikat si Hero, napabayaan na niya si Heroine. Nilamon na ng kasikatan. Pero sa huli, nagka-forever pa rin sila. Hahaha! Pero hindi siya nakapasa sa PHR sa kadahilanang kulang sa kilig at hindi pang-hero material si Hero. Hindi ko na makita ang buong feedback kasi attached file pala siya :( pero iyon ang natatandaan ko. Doon sa hero material, nagkaroon ako ng idea kung paano ko babaguhin ‘yong story. Katulad kina Erin at Brendon, babaguhin ko uli 'yong mga characters pati names, scenes. At magdadagdag din ako ng character na may pinakamalaking role sa kuwento. :D Sorry, hindi ko muna puwedeng sabihin dito. Babaguhin ko kasi talaga siya nang bonggang-bongga. Pati title iibahin ko. ^___^

Maypagka-drama ang magiging takbo ng kuwento pero depende na rin siguro sa trip ng utak ko. Minsan kasi, kapag drama ang target kong sulatin nagiging comedy bigla. Hahaha!

Sana nga lang, makapasa din ito kapag natapos ko na. *fingers crossed* :))

Si Erin At Ang Panaginip Ni Brendon

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 2:19 PM 0 comments
Approved: March 30, 2015
Precious Hearts Romances, 5th novel

Teaser (Hindi pa official)

Dalawang taon nang napapanaginipan ni Brendon ang malaanghel na babae sa kanyang panaginip. Hindi niya alam kung bakit. He was disturbed and amazed at the same time. At hindi niya inaasahang sa pagbabakasyon niya sa Boracay ay doon niya matatagpuan ang babae. Sa wakas ay magkakaroon na ng kasagutan ang panaginip niya. Nalaman niyang Maria Erin Magno ang pangalan nito.

Nang sabihin ni Brendon kay Erin na dalawang taon na niya itong napapanaginipan ay hindi ito makapaniwala. Kapwa sila nagkasundo na lulutasin nila ang misteryo ng panaginip niya.

Sa gitna ng paghahanap nila ng kasagutan ay nakilala nang husto ni Brendon si Erin. Madaldal, masayahin at malambing ito. Napapatawa siya nito. Not to mention she was a trouble magnet. Naa-amaze pa siya roon. She was uniquely different. Gustong-gusto niya itong kasama.

Hanggang sa tuluyan nang nahulog ang puso niya kay Erin.

Trivia about this novel

Ang nobelang ito ay returned manuscript ko last 2012. Marami akong binagong characters at scenes pero same pa rin ang plot. Kung saan napapanaginipan ng hero at heroine. I just love the plot kaya hindi ko siya sinukuan, hanggang sa ma-approved na! Yay! :)) Nag-enjoy din akong sulatin ang book na ito. Gustong-gusto ang character ni Erin na makulit at madaldal, samantalang si Brendon ay seryoso. ;)

Inspired ang pangalan ni Brendon sa lead vocalist ng bandang Panic! At The Disco, si Brendon Urie. Ang sexy kasi ng name niya kaya ginamit ko, haha!

One year mahigit na nang makapasa ang nobelang ito sa PHR pero hanggang ngayon ay hindi pa siya naipa-publish. Ang tagal na rin ng huli kong published na book. Umaasa pa rin ako na masisilayan ko na sa New Releases sina Erin at Brendon, at siyempre pati ang pen name ko. Hahaha! M-in-essage na rin naman ako ng editor ko about the teasers and first page at sinabing this 2016 ay maipa-publish na. Sana nga. Excited na uli akong mahawakan ang baby ko. ^___^

Ang pagbabalik!

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 1:33 PM 0 comments
Whew! Ngayon lang uli ako nakapag-open ng blog ko. 2015 pa pala ang huli kong post dito. Sayang naman kung hindi ime-maintain. At least one post per month? Hahaha! Para lang maging active. Naalala ko kasi noon, nag-search pa ako mg kung ano-anong burluloy para mapaganda itong blog site ko. Hindi kasi ako magaling sa pagde-design ng blog kaya ni-research ko talaga. So, hayan! Natuwa naman ako sa kinalaban ng design ng blog ko, hahaha! Medyo pang-girly pero nagagandahan kasi ako. Kahit 'yong chat box, Twitter churvaness nagbigay talaga ako ng time at effort para ma-copy-paste sila sa blog, hahaha!!! Kaya heto na ulit. Magpo-post ako kahit wala naman akong followers dito. :D

Wednesday, April 1, 2015

Loving Chris Drew by Heidi Star

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 8:25 PM 0 comments
NEW RELEASE: FEBRUARY 11, 2015

~ Yay! Super late post na ito pero ipo-post ko pa rin. Haha! Released na po ang fourth book ko under Precious Hearts Romances or PHR. Ang saya-saya! Ang sarap sa pakiramdam nang may bagong release na book.

~Ang kuwentong ito ay inspired sa mga favorite bands ko, especially kay Christofer Drew Ingle ng Never Shout Never. I so love NSN and Chris Drew! Kaya siya ang ginawa kong bida dito. `Yong mga names ng band mates niya ay inspired din sa front man ng mga banda. Katulad ng We The Kings, This Century, at All Time Low. Mapapansin n'yo `yon siyempre `pag bumili kayo. Hahaha! :D

~Ang theme song po nito ay ang Lightweight by Demi Lovato. Kaya `pag pinapatugtog ko ang song na `yon, naaalala ko ang mga panahong sinusulat ko ang nobelang ito. :)

~Sana ay makabili kayo ng copy. Sana magustuhan n'yo ang kuwento nila Chris Drew at Kate. Here's the teaser. :)

She had learned one thing. Once you had fallen in love, there was no turning back. Hahayaan mo na lang ang sarili mo na mahulog sa taong mahal mo… deeply and eventually.

Likas na mahilig sa musika si Kate. Pangarap niya na maging VJ sa My Music Channel, ang pinakasikat na music channel sa Pilipinas.
Hanggang isang sorpresa ang dumating kay Kate. Nilapitan siya ng may-ari ng MMC—at sinabi na gusto siyang kuning VJ! Sa wakas ay matutupad na ang matagal na niyang pinapangarap. Subalit kailangan muna niyang makunan ng interview ang sikat na bandang The Jacks.
Meeting The Jacks could only mean one thing—makikita uli ni Kate ang pinakaiinisang lalaki sa mundo, si Christofer Drew Angeles na lead vocalist ng banda.
Asar na asar si Kate sa lalaki dahil noon pa man ay paborito na siyang inisin nito. Ngunit kailangan niyang labanan iyon dahil doon nakasalalay ang pangarap niya. Fortunately, she did.
Hindi roon nagtapos ang pagkikita nila ni Chris Drew. Unti-unting nakilala ni Kate ang magagandang katangian ng binata. Isang araw ay nagising na lang siya na bumibilis ang pintig ng kanyang puso tuwing nakikita si Chris Drew.
All of sudden, umiibig na siya sa lalaking dati ay kinaiinisan niya.


 

The Diary Of Mars H. Mallow Copyright © 2011 Design by Ipietoon Blogger Template | web hosting