Gosh-ness overload talaga! Nagulat talaga ako nang pa-sign-in ako ng contract noon! Haha! Here's the story, pagkarating ko sa office para kumuha ng check, pinaupo muna ako at naghintay nang kaunti. Pagbalik ni Sir B, sabi niya, "Halika sumunod ka sa akin." Ako naman, nagtaka. Sumunod ako sa kanya tapos pinapasok ako sa katapat na office ng accounting department. May babae ring nakaupo doon. Then Sir B told me, "Meet your co-writer." Nagulat na naman ako! Haha... Nagpakilala siya na si Yaney Matsumoto. `Ayun, sinabi ni Sir na pagsa-sign-in kami ng contract sa PHR. Hahaha... Wala pa akong reaksiyon noong una. Pero noong unti-unti nang nagsi-sink in, na-flatter ako. Hahaha... Ang akala namin ni Ate Yaney, gagawin kang contract writer `pag mataas ung sales ng books mo. Na-meet din namin ung may-ari ng PPC, si Sir Segundo. Ang cool niyang kausap. Nakakatuwa.
Habang nagsa-sign ako ng contract, naisip ko, "Hala, bawal na akong tamarin." Kasi, kahit sinabi na hindi naman kami dapat ma-pressure sa pagsusulat at dapat may maipasa every month na manuscript, still, kailangan pa ring magsipag para may maipasa. Nakakahiya naman kung wala kang maipapasa, right? Kaya dapat na akong magsipag! Haha... Mabagal pa naman akong magsulat. Iyong mga manuscripts ko, pare-parehong one month ko sila natapos. Isa lang yata ung pinakamabilis, ung sa Dream Love na-approve pero hindi pa napa-publish hanggang ngayon. Ten days ko lang nagawa un! Haha... Kailan kaya ulit mangyayari un?
Ngayong contract writer na ako, bigla kong naalala ung mga rejected manuscripts ko. Dumating nga sa point na parang gusto ko nang g-um-ive sa pagsusulat kasi marami akong na-reject na manuscripts. Kahit ano'ng gawin ko. hindi sila nakakapasa. But my inner self told me not to. Of course, ayoko din talaga g-um-ive up kasi gustong-gusto ko talaga ma-publish ung mga sinulat ko. And voila! Nakaapat na approved MS na ako! Haha (Maliban pa sa Dream Love na dalawa ang approved kong MS doon). God is so good. Kahit ang dami-dami ko kasalanan sa Kanya, binibiyayaan pa rin Niya ako nang ganito. Haha... So blessed!
Kaya Heidi Star, dapat magsipag ka na! Kahit may work ka na, dapat gumawa ka pa rin ng paraan para makapagsulat. Time management lang `yan, ha?
:D
Sunday, June 8, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment