These are my novels under Dream Love Collection and Precious Hearts Romances :D
Tyson And Sabrina
By: Starr Skye
By: Starr Skye
Date Approved: December 16, 2011
Date Published: June 29, 2012
Teaser
She never ceases to make him crazy. Yet, he was ready to be crazy in love with her.
Lahat ay ginawa ni Sabrina upang mapansin at mahalin siya ni Tyson James Sebastian—ang MVP ng kanilang university. Hindi naman siya nagsayang ng enerhiya at pagmamahal dito dahil nagawa na rin nitong pansinin ang isang tulad niya.
Ngunit kung kailan naman nararamdaman na niya na nagiging espesyal na ang pagtingin nito sa kanya ay saka bumalik ang ex-girlfriend nitong si Leona. Tila gagawin nito ang lahat upang muling makuha ang puso ni Tyson. Labis siyang natakot para sa estado ng relasyon nila ni Tyson dahil noong may relasyon pa ang dalawa ay tila sa babae lamang umikot ang mundo nito. Paano na ang pag-asang nabuhay sa puso niya?
For The Love Of Charlie
By: Heidi Star
By: Heidi Star
Date Approved: July 04, 2013
Date Published: November 19, 2013
Teaser
Teaser
“I’ve tried so hard to ignore my affection towards you but I failed. It’s so hard, lalo pa’t gustong-gusto ko namang magpaapekto sa `yo.”
Charlie was Amber’s first love and the only man she loved. Naniniwala siyang ito ang itinadhana para sa kanya. Kahit lantarang sinabi nito sa kanya na hinding-hindi magkakagusto ito sa isang tulad niya ay hindi pa rin siya sumuko. Ganoon na lang ang panic niya nang makita niyang may kasama itong ibang babae. Hindi siya makapapayag na maagaw ito ng kahit sinong babae. So she came out with a plan. Pipikutin niya ito.
Nagtagumpay naman siya. Nagsama sila sa iisang bubong. Ipinangako niya sa sarili na mahuhulog ang loob nito sa kanya at masusuklian nito ang pagmamahal niya para dito. Dumating nga ang araw na nagbago ang pakikitungo nito sa kanya. Naging caring at sweet ito sa kanya. Nabuhayan siya ng pag-asa. Baka may gusto na rin ito sa kanya.
Ngunit nagkamali siya ng akala. Narinig niya mismo ang sinabi nito sa mga kaibigan nito tungkol sa kanya na pinakikisamahan lang daw siya nito―that she was just for fun.
Puwes, maghanda ito. Tingnan lang niya kung magiging “fun” pa rin ang tingin nito sa kanya pagkatapos niyang gawin ang plano niya.

My Precious Star
By: Heidi Star
By: Heidi Star
Date Approved: September 10, 2013
Date Published: December 03, 2013
Teaser
“I love you, Star. Twenty-four-seven, three-hundred-sixty-five days, and until the next life.”
Buong buhay ni Star ay sinusunod niya ang bawat sabihin ng kanyang ama. Gusto kasi niyang maging proud ito sa kanya at mahalin siya nito sa dahil malamig ang pakikitungo nito sa kanya. Namatay kasi sa panganganak sa kanya ang kanyang ina at alam niyang siya ang sinisisi ng ama.
Sa pagdating ni Ocean Apollo ay nagkaroon ng kulay ang malungkot niyang mundo. Sinimulan nito sa pakikipagkaibigan at kalaunan ay nagtapat ito ng pag-ibig sa kanya.Tinanggap niya ang pagmamahal nito at masaya ang mga unang araw ng kanilang relasyon. Sa unang pagkakataon ay naramdaman niyang may nagmamahal at nagpapahalaga sa kanya.
Ngunit nang malaman ng kanyang ama ang tungkol doon ay nagalit ito. Bukod sa pinagbawalan siya nitong makipag-boyfriend, anak pa si Ocean ng kakompetensiya nito sa negosyo. Inutusan siya nito na hiwalayan ang binata.
Mahal na mahal na niya si Ocean pero napakahirap ding ipaglaban ang pag-ibig niya rito…
My Gorgeous Chef by Heidi Star
Date Approved: November 18, 2013
Date Published: February 25, 2014
Teaser
"Bakit ko naman pagtatawanan ang isang babaeng in love sa akin? Lalo na kung ikaw `yon?"
Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gusto nito sa isang babae ay iyong marunong magluto, namroblema siya. Hindi siya marunong magluto! Naalala ni Kristel na may kaibigang magaling na chef ang kuya niya kaya pinakiusapan niya ang kapatid na paturuan siyang magluto sa kaibigan nito. Pumayag naman ang chef. Subalit laking gulat ni Kristel nang malamang ang kaibigan chef ng kuya niya at ang aroganteng lalaking nakaengkuwentro niya sa bar noong isang gabi ay iisa! Ipinahiya siya ng lalaki sa harap ng maraming tao. Nalaman niyang Rico Mendez ang pangalan nito. Though she could not deny the fact that he was incredibly gorgeous and drop-dead handsome. Still, what he did to her was utterly unacceptable. Guwapo nga ito, masama naman ang ugali.
Pero nang unti-unti niyang nakilala si Rico, at ang magandang katangian nito ay hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito. Bigla, kay Rico na siya nagpapa-impress sa pagluluto kaysa kay Nick na crush niya.