Kanina habang nagsusulat ako ng aking manuscript, naalala ko na naman `yong lalaki na napapanaginipan ko noong fourth year high school ako. Related kasi sa panaginip itong sinusulat ko kaya hindi ko maiwasang maalala.
I started dreaming this "guy" noong fourth year high school ako. At nagpatuloy noong college ako. Pero minsan ko lang siyang mapanaginipan. Siguro, twice a year lang. Hindi ko makita `yong mukha niya. Sa panaginip ko kasi, blurred `yong image kapag titingnan ko siya.
Masasabi kong lagpas sa friendship ang status namin ni Dream Guy. Kasi, lagi niya akong niyayakap, sa nagpoprotektang paraan. Attached kami sa isa't isa. At sa tingin ko, boyfriend ko siya doon. Matangkad siya at maputi. Noong unang beses ko siyang napanaginipan ay naka-business attire siya.
One time, kinilig ako nang sobra sa panaginip na ito. Medyo weird din `yong napanagipan ko noon at kasama `yong mga classmates ko noong college. Napanaginipan kong ikinasal `yong isang friend ko. Grand wedding, Maraming bisita. Kasama ko si Dream Guy sa kasal. At dahil nga maraming tao, hindi maiiwasang hindi magkakitaan. Ewan. Basta may pinuntahan yata ako noon. `Tapos nakita ko si Dream Guy na may blurred na mukha. Sinalubong niya ako ng yakap, sabay sabing, "I was looking for you. Nag-aalala ako sa `yo." Eeeehhh!!! Kinilig talaga ako, eh! Kaya siguro hindi ko makalimutan ang panaginip kong iyon ay dahil kinilig ako nang bongga! Haha!
Ang sabi nila, si Dream Guy na raw ang lalaki na itinadhana sa akin. At hindi ko pa raw siya nami-meet base sa blurred na mukha. Shucks! Kung totoo nga, SINO KAYA SIYA?
Wednesday, October 15, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment