Napakasaya ko nang malamang approved na ang fourth book ko! Hahaha... Super-mega nahirapan ako sa kuwentong ito. Pero hindi sa kadahilanang nahirapan akong isulat, kundi dahil noong time na sinusulat ko ito, nagkabulutong ako! `Kainis! Kaya hindi ko agad natapos. January ko pa ito sinimulang isulat pero natapos ko March na... `Tapos nakadagdag pa sa kaba ko iyong matagal na result pagkapasa ko sa editorial staff. Halos two months akong naghintay ng result kaya sobrang kinakabahan na ako. Kung ano-ano na ang mga naiisip ko na baka hindi iyon ma-approve ganyan-ganyan. Puro negative ang tumatakbo sa isip ko. Kilala ko pa iyong editor niyon. (At ang bait niya!) Pero worth it ang paghihintay ko dahil APPROVED siya! Hahaha with a capital A!
Actually, nahirapan din naman akong isulat ito. Ilang beses kong inulit kasi parang hindi ako ma-satisfy sa gawa ko. Habang inuulit ko, nababago na ang plot at mga scenes. pero ung mga changes na iyon mas maganda naman kaysa dati. At na-satisfy naman na ako.
Inspired ang story na iyon ni Christofer Drew Ingle of Never Shout Never. Super crush ko kasi iyon at magka-age pa kami. Hahaha... I love all his songs, too! Pero iba ang theme song nito. Iyong Lightweight by Demi Lovato. Haha! Ni-rape ko ang replay button ng windows media player ng computer namin kakapanig doon habang sinusulat ko ang novel na ito. Siyempre, hindi ko muna sasabihin ang title para suprise! Chos! (Char lang ulit!) Haha :DDD
I'm so excited na ma-release na ang 4th book ko. Wait-wait na lang ako. 29k words iyon kaya curious ako kung gaano kaliit iyong words hahaha... Lately, dumadami iyong mga sinusulat ko.
Saturday, June 7, 2014
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment