Friday, October 17, 2014

The Origin Of My Pen Name Heidi Star :D

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 7:07 PM 0 comments
Since ginaganahan akong mag-post, sasamantalahin ko na. Na-post ko na rin pala ito sa Tumblr pero ipo-post ko rin dito. :D

~~July 04, 2013 noong una akong nagka-approved novel sa PHR. Tuwang-tuwa ako. Halos mag-cartwheel ako sa sobrang tuwa. Hiningan ako ng teasers, captions, first page, at three selections ng pen name. Meron na akong naisip na pen name. Amber Demetria. Gustong-gusto ko talaga `yon. Gusto ko `yong name na Amber (na siya ring pangalan ng heroine sa first PHR novel ko). `Tapos `yong Demetria, name ng idol kong si Demi Lovato. Demetria Devonne kasi `yong buong pangalan ni Demi. Pero tatlo ang hinihingi ng editor kaya nag-isip pa ako ng dalawa. Dinagdagan ko ng Demi Oliver. `Yong Demi, obvious kay Demi Lovato ko nakuha kasi idol ko nga siya. `Yong Oliver, galing sa last name ko. Haha! Ang isa pa ay ang Heidi Star. Noong time kasi na `yon lagi kong naaalala si Heidi, `yong batang taga-Alps. Then `yong Star, inspired sa book ni Miss Heart Yngrid, St. Catherine University: Starr, The Bratinella. Binawasan ko lang ng isang 'R.' Gandang-ganda kasi ako sa story na `yon. Ilang ulit ko siyang binasa. Pero crossed fingers talaga ako na sana `yong Amber Demetria ang mapili. Which didn't happen. Heidi Star ang napili. But it's okay. Kontento naman ako sa pen name ko. :)

Name: Heidi Star
Age: 11 months
Birthday: November 19, 2013
Status: Turtle


~~♥ Super cool bracelets ^_^

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 5:56 PM 0 comments
Kahapon lumabas kami ni Mama para kunin `yong COP ng kapatid ko sa Ermita. Ang dami naming nadaanan na nagtitinda, sa LRT pa lang. Kabilang na ang super cool bracelets na ito. Na-cute-an lang ako kaya bumili ako, binilhan ko rin si Mama para tag-isa kami. Cute na, mura pa. ^_^ Php 10.00 lang.

The pink one is mine. The red one is my mother's. :P

Thursday, October 16, 2014

I ship InuKag! (Inuyasha ♥ Kagome)

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 11:54 PM 0 comments
Love na love ko talaga ang Inuyasha! Super obsessed ako sa anime na ito. Kaya naman d-in-ownload ko talaga lahat ng episodes. Kinikilig ako kina Inuyasha at Kagome, kapag nagmo-moments sila. Minsan nga, pini-picture ko ang sarili ko bilang Kagome. Para ako `yong love ni Inuyasha. Hahaha! Hindi ako magsasawang panoorin ang anime na ito. High school pa ako noong unang ipalabas ito, eh. Hanggang ngayon, adik na adik pa rin ako. :D



A sight to behold.


I love Inuyasha's ears!

Kilig! :D




Wednesday, October 15, 2014

Dreaming about this guy...

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 6:13 AM 0 comments
Kanina habang nagsusulat ako ng aking manuscript, naalala ko na naman `yong lalaki na napapanaginipan ko noong fourth year high school ako. Related kasi sa panaginip itong sinusulat ko kaya hindi ko maiwasang maalala.

I started dreaming this "guy" noong fourth year high school ako. At nagpatuloy noong college ako. Pero minsan ko lang siyang mapanaginipan. Siguro, twice a year lang. Hindi ko makita `yong mukha niya. Sa panaginip ko kasi, blurred `yong image kapag titingnan ko siya.

Masasabi kong lagpas sa friendship ang status namin ni Dream Guy. Kasi, lagi niya akong niyayakap, sa nagpoprotektang paraan. Attached kami sa isa't isa. At sa tingin ko, boyfriend ko siya doon. Matangkad siya at maputi. Noong unang beses ko siyang napanaginipan ay naka-business attire siya.

One time, kinilig ako nang sobra sa panaginip na ito. Medyo weird din `yong napanagipan ko noon at kasama `yong mga classmates ko noong college. Napanaginipan kong ikinasal `yong isang friend ko. Grand wedding, Maraming bisita. Kasama ko si Dream Guy sa kasal. At dahil nga maraming tao, hindi maiiwasang hindi magkakitaan. Ewan. Basta may pinuntahan yata ako noon. `Tapos nakita ko si Dream Guy na may blurred na mukha. Sinalubong niya ako ng yakap, sabay sabing, "I was looking for you. Nag-aalala ako sa `yo." Eeeehhh!!! Kinilig talaga ako, eh! Kaya siguro hindi ko makalimutan ang panaginip kong iyon ay dahil kinilig ako nang bongga! Haha!

Ang sabi nila, si Dream Guy na raw ang lalaki na itinadhana sa akin. At hindi ko pa raw siya nami-meet base sa blurred na mukha. Shucks! Kung totoo nga, SINO KAYA SIYA?

Tuesday, October 14, 2014

Isla And The Happily Ever After by Stephanie Perkins

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 4:29 PM 0 comments
~~♥ So happy that I finally got a copy of Isla And The Happily Ever After by Stephanie Perkins! At signed copy pa siya. Gaya ng dati, akma na naman ang kulay ng pen na ginamit ni Stephanie sa cover, blue. Pagdating ko sa bookstore, isa na lang ang meron sa shelf. Na para bang nakatadhana talagang mapunta siya sa akin. Haha! Hard cover siya. Hindi pa available ang soft bound, eh. Pero okay lang. Kahit may kamahalaan, may pirma naman. Kompleto ko ang pirma ni Stephanie. ^_^



Stephanie Perkins Booksigning Event

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 3:46 PM 0 comments
♥ Super late post na naman ito dahil noong July 6, 2014 pa ito. Haha! Pero ipo-post ko pa rin. 

~Pumunta ako sa booksigning event ng international author na si Stephanie Perkins na ginanap sa National Bookstore Glorietta. Sinulat niya ang best-selling novels na Anna And The French Kiss, Lola And The Boy Next Door at Isla And The Happily Ever After. Ang saya ko dahil na-meet ko siya in person dahil super love ko ang gawa niya. Super love ko si Etienne St. Clair! She's so beautiful and I told her that I love her eyes. Ang ganda ng mga mata niya. Palagi pa siyang nakangiti. She's so stylish. Pati ang ginamit niyang pens, akma doon sa book cover. Sa AATFK, pink ang ginamit niya kasi pink ang cover. Sa LATBND naman ay orange kasi orange ang cover. Na-amaze lang ako. ^_^ Sulit ang paggising nang maaga at pagpila nang mahaba.








Jenny Han Booksigning Event

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 3:00 PM 0 comments
♥ Super late post na ito dahil noong June 21, 2014 pa ito. Haha!

~ Pumunta ako sa booksigning event ni Jenny Han na ginanap sa National Bookstore Glorietta. In fairness, ang daming tao! Maaga na akong pumunta pero ang haba na ng pila. Pang-193 ako. :D Siya ang sumulat ng best-selling series na Summer Trilogy. (The Summer I Turned Pretty, It's Not Summer Without You, We'll Always Have Summer)


 

The Diary Of Mars H. Mallow Copyright © 2011 Design by Ipietoon Blogger Template | web hosting