~ Yay! Super late post na ito pero ipo-post ko pa rin. Haha! Released na po ang fourth book ko under Precious Hearts Romances or PHR. Ang saya-saya! Ang sarap sa pakiramdam nang may bagong release na book.
~Ang kuwentong ito ay inspired sa mga favorite bands ko, especially kay Christofer Drew Ingle ng Never Shout Never. I so love NSN and Chris Drew! Kaya siya ang ginawa kong bida dito. `Yong mga names ng band mates niya ay inspired din sa front man ng mga banda. Katulad ng We The Kings, This Century, at All Time Low. Mapapansin n'yo `yon siyempre `pag bumili kayo. Hahaha! :D
~Ang theme song po nito ay ang Lightweight by Demi Lovato. Kaya `pag pinapatugtog ko ang song na `yon, naaalala ko ang mga panahong sinusulat ko ang nobelang ito. :)
~Sana ay makabili kayo ng copy. Sana magustuhan n'yo ang kuwento nila Chris Drew at Kate. Here's the teaser. :)
She had learned one thing. Once you had fallen in love, there was no turning back. Hahayaan mo na lang ang sarili mo na mahulog sa taong mahal mo… deeply and eventually.
Likas na mahilig sa musika si Kate. Pangarap niya na maging VJ sa My Music Channel, ang pinakasikat na music channel sa Pilipinas.
Hanggang isang sorpresa ang dumating kay Kate. Nilapitan siya ng may-ari ng MMC—at sinabi na gusto siyang kuning VJ! Sa wakas ay matutupad na ang matagal na niyang pinapangarap. Subalit kailangan muna niyang makunan ng interview ang sikat na bandang The Jacks.
Meeting The Jacks could only mean one thing—makikita uli ni Kate ang pinakaiinisang lalaki sa mundo, si Christofer Drew Angeles na lead vocalist ng banda.
Asar na asar si Kate sa lalaki dahil noon pa man ay paborito na siyang inisin nito. Ngunit kailangan niyang labanan iyon dahil doon nakasalalay ang pangarap niya. Fortunately, she did.
Hindi roon nagtapos ang pagkikita nila ni Chris Drew. Unti-unting nakilala ni Kate ang magagandang katangian ng binata. Isang araw ay nagising na lang siya na bumibilis ang pintig ng kanyang puso tuwing nakikita si Chris Drew.
All of sudden, umiibig na siya sa lalaking dati ay kinaiinisan niya.