Saturday, October 8, 2016

Revising a returned manuscript...

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 4:00 PM 0 comments
I was browsing my E-mail. Hinanap ko ang ipinasa kong manuscript sa PHR noong 2011. “My Sunshine” ang title niya. At hindi siya nakapasa. Balak ko kasing i-revise ang nobelang iyon dahil… Ewan ko kung ano ang maitatawag ko dito, parang “calling”? HAHAHA! Ganito din kasi ang naramdaman ko sa na-reject kong MS na ni-revise ko. Parang tinatawag ako ng story mismo na baguhin ko at ipasa ulit. At ito na nga ang nangyayari sa akin sa My Sunshine. Ilang araw ko na iyong naiisip. Nakakaisip na rin ako ng kilig scenes at conflict. Marami akong babaguhin sa nobela.

Sa My Sunshine, aspiring musician ang hero na boyfriend na ni heroine. Nang sumikat si Hero, napabayaan na niya si Heroine. Nilamon na ng kasikatan. Pero sa huli, nagka-forever pa rin sila. Hahaha! Pero hindi siya nakapasa sa PHR sa kadahilanang kulang sa kilig at hindi pang-hero material si Hero. Hindi ko na makita ang buong feedback kasi attached file pala siya :( pero iyon ang natatandaan ko. Doon sa hero material, nagkaroon ako ng idea kung paano ko babaguhin ‘yong story. Katulad kina Erin at Brendon, babaguhin ko uli 'yong mga characters pati names, scenes. At magdadagdag din ako ng character na may pinakamalaking role sa kuwento. :D Sorry, hindi ko muna puwedeng sabihin dito. Babaguhin ko kasi talaga siya nang bonggang-bongga. Pati title iibahin ko. ^___^

Maypagka-drama ang magiging takbo ng kuwento pero depende na rin siguro sa trip ng utak ko. Minsan kasi, kapag drama ang target kong sulatin nagiging comedy bigla. Hahaha!

Sana nga lang, makapasa din ito kapag natapos ko na. *fingers crossed* :))

Si Erin At Ang Panaginip Ni Brendon

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 2:19 PM 0 comments
Approved: March 30, 2015
Precious Hearts Romances, 5th novel

Teaser (Hindi pa official)

Dalawang taon nang napapanaginipan ni Brendon ang malaanghel na babae sa kanyang panaginip. Hindi niya alam kung bakit. He was disturbed and amazed at the same time. At hindi niya inaasahang sa pagbabakasyon niya sa Boracay ay doon niya matatagpuan ang babae. Sa wakas ay magkakaroon na ng kasagutan ang panaginip niya. Nalaman niyang Maria Erin Magno ang pangalan nito.

Nang sabihin ni Brendon kay Erin na dalawang taon na niya itong napapanaginipan ay hindi ito makapaniwala. Kapwa sila nagkasundo na lulutasin nila ang misteryo ng panaginip niya.

Sa gitna ng paghahanap nila ng kasagutan ay nakilala nang husto ni Brendon si Erin. Madaldal, masayahin at malambing ito. Napapatawa siya nito. Not to mention she was a trouble magnet. Naa-amaze pa siya roon. She was uniquely different. Gustong-gusto niya itong kasama.

Hanggang sa tuluyan nang nahulog ang puso niya kay Erin.

Trivia about this novel

Ang nobelang ito ay returned manuscript ko last 2012. Marami akong binagong characters at scenes pero same pa rin ang plot. Kung saan napapanaginipan ng hero at heroine. I just love the plot kaya hindi ko siya sinukuan, hanggang sa ma-approved na! Yay! :)) Nag-enjoy din akong sulatin ang book na ito. Gustong-gusto ang character ni Erin na makulit at madaldal, samantalang si Brendon ay seryoso. ;)

Inspired ang pangalan ni Brendon sa lead vocalist ng bandang Panic! At The Disco, si Brendon Urie. Ang sexy kasi ng name niya kaya ginamit ko, haha!

One year mahigit na nang makapasa ang nobelang ito sa PHR pero hanggang ngayon ay hindi pa siya naipa-publish. Ang tagal na rin ng huli kong published na book. Umaasa pa rin ako na masisilayan ko na sa New Releases sina Erin at Brendon, at siyempre pati ang pen name ko. Hahaha! M-in-essage na rin naman ako ng editor ko about the teasers and first page at sinabing this 2016 ay maipa-publish na. Sana nga. Excited na uli akong mahawakan ang baby ko. ^___^

Ang pagbabalik!

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 1:33 PM 0 comments
Whew! Ngayon lang uli ako nakapag-open ng blog ko. 2015 pa pala ang huli kong post dito. Sayang naman kung hindi ime-maintain. At least one post per month? Hahaha! Para lang maging active. Naalala ko kasi noon, nag-search pa ako mg kung ano-anong burluloy para mapaganda itong blog site ko. Hindi kasi ako magaling sa pagde-design ng blog kaya ni-research ko talaga. So, hayan! Natuwa naman ako sa kinalaban ng design ng blog ko, hahaha! Medyo pang-girly pero nagagandahan kasi ako. Kahit 'yong chat box, Twitter churvaness nagbigay talaga ako ng time at effort para ma-copy-paste sila sa blog, hahaha!!! Kaya heto na ulit. Magpo-post ako kahit wala naman akong followers dito. :D
 

The Diary Of Mars H. Mallow Copyright © 2011 Design by Ipietoon Blogger Template | web hosting