Sunday, January 26, 2014
Isolated
*Loooonggg sigh* Hindi rin ako nakaligtas kay Mr. Varicella! Sana, nagkaroon na lang ako nito noong bata ako. Ang sabi kasi nila, mas maganda kung magkakaroon ka niyon `pag bata para ma-outgrow `yong mga peklat. Shocks! Super kati talaga. They advised me not to scratch my skin kasi magkakasugat and then magkakapeklat, pero hindi ko mapigilang kamutin! Well, nakakaya ko naman siyang hindi kamutin. What I did was to squirm and squirm and squirm in bed like a worm haha... Mas nakakahawa ito kapag pagaling na so kailangan akong mag-stay lang sa isang kuwarto. Kinda upset lang kasi hindi ako nakapagsulat ng story that time. Wala man lang akong naidagdag sa Chapter 6. Failed na naman ako sa goal ko. Ang sabi ko pa sa sarili ko, dapat matapos ko ang story na ito bago matapos ang January. Eh, malapit nang mag-goodbye si January so hindi ko na talaga maa-achieve ang goal ko. Mabagal pa naman akong magsulat. *another long sigh* Pero keri lang. I-maintain lang dapat ang positive energy na matatapos ko rin iyon. Hindi naman ako na-bored `cause I got Jace and Clary to entertain me. Nadala nila ako sa mundo ng Shadowhunters hahaha... I'm currently reading The Mortal Instruments: City Of Bones, Book One. :D
Categories
City Of Bones,
me,
The Mortal Instruments,
varicella,
writing
Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment