Friday, October 17, 2014

The Origin Of My Pen Name Heidi Star :D

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 7:07 PM 0 comments
Since ginaganahan akong mag-post, sasamantalahin ko na. Na-post ko na rin pala ito sa Tumblr pero ipo-post ko rin dito. :D

~~July 04, 2013 noong una akong nagka-approved novel sa PHR. Tuwang-tuwa ako. Halos mag-cartwheel ako sa sobrang tuwa. Hiningan ako ng teasers, captions, first page, at three selections ng pen name. Meron na akong naisip na pen name. Amber Demetria. Gustong-gusto ko talaga `yon. Gusto ko `yong name na Amber (na siya ring pangalan ng heroine sa first PHR novel ko). `Tapos `yong Demetria, name ng idol kong si Demi Lovato. Demetria Devonne kasi `yong buong pangalan ni Demi. Pero tatlo ang hinihingi ng editor kaya nag-isip pa ako ng dalawa. Dinagdagan ko ng Demi Oliver. `Yong Demi, obvious kay Demi Lovato ko nakuha kasi idol ko nga siya. `Yong Oliver, galing sa last name ko. Haha! Ang isa pa ay ang Heidi Star. Noong time kasi na `yon lagi kong naaalala si Heidi, `yong batang taga-Alps. Then `yong Star, inspired sa book ni Miss Heart Yngrid, St. Catherine University: Starr, The Bratinella. Binawasan ko lang ng isang 'R.' Gandang-ganda kasi ako sa story na `yon. Ilang ulit ko siyang binasa. Pero crossed fingers talaga ako na sana `yong Amber Demetria ang mapili. Which didn't happen. Heidi Star ang napili. But it's okay. Kontento naman ako sa pen name ko. :)

Name: Heidi Star
Age: 11 months
Birthday: November 19, 2013
Status: Turtle


~~♥ Super cool bracelets ^_^

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 5:56 PM 0 comments
Kahapon lumabas kami ni Mama para kunin `yong COP ng kapatid ko sa Ermita. Ang dami naming nadaanan na nagtitinda, sa LRT pa lang. Kabilang na ang super cool bracelets na ito. Na-cute-an lang ako kaya bumili ako, binilhan ko rin si Mama para tag-isa kami. Cute na, mura pa. ^_^ Php 10.00 lang.

The pink one is mine. The red one is my mother's. :P

Thursday, October 16, 2014

I ship InuKag! (Inuyasha ♥ Kagome)

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 11:54 PM 0 comments
Love na love ko talaga ang Inuyasha! Super obsessed ako sa anime na ito. Kaya naman d-in-ownload ko talaga lahat ng episodes. Kinikilig ako kina Inuyasha at Kagome, kapag nagmo-moments sila. Minsan nga, pini-picture ko ang sarili ko bilang Kagome. Para ako `yong love ni Inuyasha. Hahaha! Hindi ako magsasawang panoorin ang anime na ito. High school pa ako noong unang ipalabas ito, eh. Hanggang ngayon, adik na adik pa rin ako. :D



A sight to behold.


I love Inuyasha's ears!

Kilig! :D




Wednesday, October 15, 2014

Dreaming about this guy...

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 6:13 AM 0 comments
Kanina habang nagsusulat ako ng aking manuscript, naalala ko na naman `yong lalaki na napapanaginipan ko noong fourth year high school ako. Related kasi sa panaginip itong sinusulat ko kaya hindi ko maiwasang maalala.

I started dreaming this "guy" noong fourth year high school ako. At nagpatuloy noong college ako. Pero minsan ko lang siyang mapanaginipan. Siguro, twice a year lang. Hindi ko makita `yong mukha niya. Sa panaginip ko kasi, blurred `yong image kapag titingnan ko siya.

Masasabi kong lagpas sa friendship ang status namin ni Dream Guy. Kasi, lagi niya akong niyayakap, sa nagpoprotektang paraan. Attached kami sa isa't isa. At sa tingin ko, boyfriend ko siya doon. Matangkad siya at maputi. Noong unang beses ko siyang napanaginipan ay naka-business attire siya.

One time, kinilig ako nang sobra sa panaginip na ito. Medyo weird din `yong napanagipan ko noon at kasama `yong mga classmates ko noong college. Napanaginipan kong ikinasal `yong isang friend ko. Grand wedding, Maraming bisita. Kasama ko si Dream Guy sa kasal. At dahil nga maraming tao, hindi maiiwasang hindi magkakitaan. Ewan. Basta may pinuntahan yata ako noon. `Tapos nakita ko si Dream Guy na may blurred na mukha. Sinalubong niya ako ng yakap, sabay sabing, "I was looking for you. Nag-aalala ako sa `yo." Eeeehhh!!! Kinilig talaga ako, eh! Kaya siguro hindi ko makalimutan ang panaginip kong iyon ay dahil kinilig ako nang bongga! Haha!

Ang sabi nila, si Dream Guy na raw ang lalaki na itinadhana sa akin. At hindi ko pa raw siya nami-meet base sa blurred na mukha. Shucks! Kung totoo nga, SINO KAYA SIYA?

Tuesday, October 14, 2014

Isla And The Happily Ever After by Stephanie Perkins

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 4:29 PM 0 comments
~~♥ So happy that I finally got a copy of Isla And The Happily Ever After by Stephanie Perkins! At signed copy pa siya. Gaya ng dati, akma na naman ang kulay ng pen na ginamit ni Stephanie sa cover, blue. Pagdating ko sa bookstore, isa na lang ang meron sa shelf. Na para bang nakatadhana talagang mapunta siya sa akin. Haha! Hard cover siya. Hindi pa available ang soft bound, eh. Pero okay lang. Kahit may kamahalaan, may pirma naman. Kompleto ko ang pirma ni Stephanie. ^_^



Stephanie Perkins Booksigning Event

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 3:46 PM 0 comments
♥ Super late post na naman ito dahil noong July 6, 2014 pa ito. Haha! Pero ipo-post ko pa rin. 

~Pumunta ako sa booksigning event ng international author na si Stephanie Perkins na ginanap sa National Bookstore Glorietta. Sinulat niya ang best-selling novels na Anna And The French Kiss, Lola And The Boy Next Door at Isla And The Happily Ever After. Ang saya ko dahil na-meet ko siya in person dahil super love ko ang gawa niya. Super love ko si Etienne St. Clair! She's so beautiful and I told her that I love her eyes. Ang ganda ng mga mata niya. Palagi pa siyang nakangiti. She's so stylish. Pati ang ginamit niyang pens, akma doon sa book cover. Sa AATFK, pink ang ginamit niya kasi pink ang cover. Sa LATBND naman ay orange kasi orange ang cover. Na-amaze lang ako. ^_^ Sulit ang paggising nang maaga at pagpila nang mahaba.








Jenny Han Booksigning Event

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 3:00 PM 0 comments
♥ Super late post na ito dahil noong June 21, 2014 pa ito. Haha!

~ Pumunta ako sa booksigning event ni Jenny Han na ginanap sa National Bookstore Glorietta. In fairness, ang daming tao! Maaga na akong pumunta pero ang haba na ng pila. Pang-193 ako. :D Siya ang sumulat ng best-selling series na Summer Trilogy. (The Summer I Turned Pretty, It's Not Summer Without You, We'll Always Have Summer)


Sunday, June 8, 2014

Veronica Rossi and Me

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 2:33 PM 0 comments
April 26, 2014 
Veronica Rossi, Tahereh Mafi, Ransom Riggs Book Signing Event by National Bookstore
-pero kay Veronica Rossi lang naman ako nagpa-sign. Wala pa akong copy ng books nila TM at RR, eh. At saka, love ko ung story ng Under The Never Sky Trilogy. :)

-first time ko magpunta sa isang book signing event. Super daming tao! Siyempre, tatlong writers un kaya dinagsa. Tapos, pang-900 pa ako sa bilang haha! Late na kasi ako nakapunta. Magte-ten AM na nun. Sabi ko pa sa sarili ko, aagahan ko para maaga ako. Pero hindi. Sinadya kong magpa-late. Haha... Nakauwi naman ako ng 8 AM sa bahay so, okay na rin.



-super friendly ni Veronica. At saka, lagi siyang naka-smile. Kaya kahit kinabahan ako noong kinausap niya ako (muntik na akong ma-epistaxis! hahaha) keri pa din naman kasi palangiti siya. I like her so much!

Convo with Veronica Rossi

VR: Hello, how are you?
AKO: I'm good. you?
VR: Me, too. Are you having fun tonight?
AKO: Yes! Absolutely.
VR: It's really nice to meet you. *smiles*
AKO: Same here. I love you, Veronica.
VR: I love you, too. sweet dreams. 

-`buti na lang at nakakapagsalita pa ako nung kinakausap niya ako. Na-starstruck kasi ako sa kanya nang bongga! haha.. :)






May 27, 2014, Saturday. - Contract Writer Na Ako Ng PHR!

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 1:42 PM 0 comments
Gosh-ness overload talaga! Nagulat talaga ako nang pa-sign-in ako ng contract noon! Haha! Here's the story, pagkarating ko sa office para kumuha ng check, pinaupo muna ako at naghintay nang kaunti. Pagbalik ni Sir B, sabi niya, "Halika sumunod ka sa akin." Ako naman, nagtaka. Sumunod ako sa kanya tapos pinapasok ako sa katapat na office ng accounting department. May babae ring nakaupo doon. Then Sir B told me, "Meet your co-writer." Nagulat na naman ako! Haha... Nagpakilala siya na si Yaney Matsumoto. `Ayun, sinabi ni Sir na pagsa-sign-in kami ng contract sa PHR. Hahaha... Wala pa akong reaksiyon noong una. Pero noong unti-unti nang nagsi-sink in, na-flatter ako. Hahaha... Ang akala namin ni Ate Yaney, gagawin kang contract writer `pag mataas ung sales ng books mo. Na-meet din namin ung may-ari ng PPC, si Sir Segundo. Ang cool niyang kausap. Nakakatuwa.

Habang nagsa-sign ako ng contract, naisip ko, "Hala, bawal na akong tamarin." Kasi, kahit sinabi na hindi naman kami dapat ma-pressure sa pagsusulat at dapat may maipasa every month na manuscript, still, kailangan pa ring magsipag para may maipasa. Nakakahiya naman kung wala kang maipapasa, right? Kaya dapat na akong magsipag! Haha... Mabagal pa naman akong magsulat. Iyong mga manuscripts ko, pare-parehong one month ko sila natapos. Isa lang yata ung pinakamabilis, ung sa Dream Love na-approve pero hindi pa napa-publish hanggang ngayon. Ten days ko lang nagawa un! Haha... Kailan kaya ulit mangyayari un?

Ngayong contract writer na ako, bigla kong naalala ung mga rejected manuscripts ko. Dumating nga sa point na parang gusto ko nang g-um-ive sa pagsusulat kasi marami akong na-reject na manuscripts. Kahit ano'ng gawin ko. hindi sila nakakapasa. But my inner self told me not to. Of course, ayoko din talaga g-um-ive up kasi gustong-gusto ko talaga ma-publish ung mga sinulat ko. And voila! Nakaapat na approved MS na ako! Haha (Maliban pa sa Dream Love na dalawa ang approved kong MS doon). God is so good. Kahit ang dami-dami ko kasalanan sa Kanya, binibiyayaan pa rin Niya ako nang ganito. Haha... So blessed!

Kaya Heidi Star, dapat magsipag ka na! Kahit may work ka na, dapat gumawa ka pa rin ng paraan para makapagsulat. Time management lang `yan, ha?

:D

Saturday, June 7, 2014

May 21, 2014, Wednesday - My Fourth Book Is Approved!

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 10:00 PM 0 comments
Napakasaya ko nang malamang approved na ang fourth book ko! Hahaha... Super-mega nahirapan ako sa kuwentong ito. Pero hindi sa kadahilanang nahirapan akong isulat, kundi dahil noong time na sinusulat ko ito, nagkabulutong ako! `Kainis! Kaya hindi ko agad natapos. January ko pa ito sinimulang isulat pero natapos ko March na... `Tapos nakadagdag pa sa kaba ko iyong matagal na result pagkapasa ko sa editorial staff. Halos two months akong naghintay ng result kaya sobrang kinakabahan na ako. Kung ano-ano na ang mga naiisip ko na baka hindi iyon ma-approve ganyan-ganyan. Puro negative ang tumatakbo sa isip ko. Kilala ko pa iyong editor niyon. (At ang bait niya!) Pero worth it ang paghihintay ko dahil APPROVED siya! Hahaha with a capital A!

Actually, nahirapan din naman akong isulat ito. Ilang beses kong inulit kasi parang hindi ako ma-satisfy sa gawa ko. Habang inuulit ko, nababago na ang plot at mga scenes. pero ung mga changes na iyon mas maganda naman kaysa dati. At na-satisfy naman na ako.

Inspired ang story na iyon ni Christofer Drew Ingle of Never Shout Never. Super crush ko kasi iyon at magka-age pa kami. Hahaha... I love all his songs, too! Pero iba ang theme song nito. Iyong Lightweight by Demi Lovato. Haha! Ni-rape ko ang replay button ng windows media player ng computer namin kakapanig doon habang sinusulat ko ang novel na ito. Siyempre, hindi ko muna sasabihin ang title para suprise! Chos! (Char lang ulit!) Haha :DDD

I'm so excited na ma-release na ang 4th book ko. Wait-wait na lang ako. 29k words iyon kaya curious ako kung gaano kaliit iyong words hahaha... Lately, dumadami iyong mga sinusulat ko.

My Gorgeous Chef by Heidi Star

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 10:00 PM 0 comments
Yay! So happy at na-release ang My Gorgeous Chef ko last February. (hahaha, super late na late post na talaga ito pero keri lang!)

Facts about my third book. 
-Inspired ang novel ko na iyon sa friendship ko na si Kristel Joyce, classmate ko rin siya noong college. Super humanga kasi ako sa kanya noong nag-confess siya sa lalaking gusto niya. Ang lakas ng loob niyang gawin iyon! Hindi ko kaya iyon. Haha... Kaya nangako ako sa sarili ko at sa kanya na gagawan ko sila ng story. At diyaran! Natupad na rin! Na-approve ang story na ito the day before the release of my first book For The Love Of Charlie. Kaya super-mega-ultra happy talaga ako! Siyempre, na-inspire din ako ng mga kanta ni Demi Lovato noong sinusulat ko iyon kaya bongga! Hahaha...

My Gorgeous Chef by Heidi Star

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 9:27 PM 0 comments

My Gorgeous Chef by Heidi Star

Date Approved: November 18, 2013
Date Published: February 25, 2014

Teaser

"Bakit ko naman pagtatawanan ang isang babaeng in love sa akin? Lalo na kung ikaw `yon?"

Crush ni Kristel si Nick, ang bagong kapitbahay nila. She wanted to impress him in order for him to like her, too. Kaya nang malaman niya na ang gusto nito sa isang babae ay iyong marunong magluto, namroblema siya. Hindi siya marunong magluto! Naalala ni Kristel na may kaibigang magaling na chef ang kuya niya kaya pinakiusapan niya ang kapatid na paturuan siyang magluto sa kaibigan nito. Pumayag naman ang chef. Subalit laking gulat ni Kristel nang malamang ang kaibigan chef ng kuya niya at ang aroganteng lalaking nakaengkuwentro niya sa bar noong isang gabi ay iisa! Ipinahiya siya ng lalaki sa harap ng maraming tao. Nalaman niyang Rico Mendez ang pangalan nito. Though she could not deny the fact that he was incredibly gorgeous and drop-dead handsome. Still, what he did to her was utterly unacceptable. Guwapo nga ito, masama naman ang ugali.

Pero nang unti-unti niyang nakilala si Rico, at ang magandang katangian nito ay hindi niya naiwasang mahulog ang loob dito. Bigla, kay Rico na siya nagpapa-impress sa pagluluto kaysa kay Nick na crush niya.

Ang tagal kong absent sa Blogspot... Haha...

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 8:34 PM 0 comments
Whew! Ang tagal ko nang hindi nakapag-post sa account ko na ito. Hahaha... Pero dahil sinisipag akong mag-post, okay magpo-post na ako.

--> for introduction lang ba. :D

Monday, January 27, 2014

Obsessed with Clace! Haha!

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 1:18 PM 0 comments







I so love Jamie and Lily! (Clary and Jace) They look so good together! I wish I have my own Jace, too! Hahaha

Sunday, January 26, 2014

Isolated

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 5:25 PM 0 comments
*Loooonggg sigh* Hindi rin ako nakaligtas kay Mr. Varicella! Sana, nagkaroon na lang ako nito noong bata ako. Ang sabi kasi nila, mas maganda kung magkakaroon ka niyon `pag bata para ma-outgrow `yong mga peklat. Shocks! Super kati talaga. They advised me not to scratch my skin kasi magkakasugat and then magkakapeklat, pero hindi ko mapigilang kamutin! Well, nakakaya ko naman siyang hindi kamutin. What I did was to squirm and squirm and squirm in bed like a worm haha... Mas nakakahawa ito kapag pagaling na so kailangan akong mag-stay lang sa isang kuwarto. Kinda upset lang kasi hindi ako nakapagsulat ng story that time. Wala man lang akong naidagdag sa Chapter 6. Failed na naman ako sa goal ko. Ang sabi ko pa sa sarili ko, dapat matapos ko ang story na ito bago matapos ang January. Eh, malapit nang mag-goodbye si January so hindi ko na talaga maa-achieve ang goal ko. Mabagal pa naman akong magsulat. *another long sigh* Pero keri lang. I-maintain lang dapat ang positive energy na matatapos ko rin iyon. Hindi naman ako na-bored `cause I got Jace and Clary to entertain me. Nadala nila ako sa mundo ng Shadowhunters hahaha... I'm currently reading The Mortal Instruments: City Of Bones, Book One. :D

Sunday, January 12, 2014

Oh, I love these guys! ♥

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 1:05 PM 0 comments









Demi Lovato: Unbroken Album

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 10:05 AM 0 comments

I love this album so much! I love all the songs here. Feel na feel ni Demi ang pagkanta, tumatagos sa bawat lyrics. 

Track listing:

1. All Night Long featuring Missy Eliot and Timbaland - Party song ito haha... Ang taas ng energy nila dito. Masasabi kong lahat ng genre, mapa-RnB, Pop, Rock, Mellow kaya ni Demi.

2. Who's That Boy featuring Dev - Every time na naririnig ko `to, hindi ko maiwasang mapaindak haha... Sinasabayan ko pa si Dev sa pag-rap dito.

3. You're My Only Shorty featuring Iyaz - Ang ganda ng blending ng boses nila Demi at Iyaz dito. At first, hindi ko type `to, pero nang paulit-ulit ko na siyang pinakinggan, maganda pala LOL! :D

4. Together featuring Jason Derulo - I think this song is about remembering love. About family and friendship, at sa mga taong mahal at malalapit sa `yo. I love Jason's voice here.

5. Lightweight - Ito ang pinakapaborito kong kanta sa album. Nang una kong mapakinggan `to, nagka-goosebumps ako! Kaya nga m-in-emorize ko para masabayan ko. Hindi nga lang ako gusto ng kanta na sabayan hahaha... Maraming high notes dito. 

6. Unbroken - So much related ang song na `to sa isa pa niyang kanta, Never Been Hurt sa latest album niya na Demi. Haha... para sa `kin lang. Kapag pinapatugtog ko `to, sinasabayan `to ni Mama hahaha

7. Fix A Heart - I dunno, but every time I listen to this song, naaalala ko ang nursing days ko. Siguro dahil sa title hahaha :DDD

8. Hold Up - Ay, ni-rape ko ang replay button ng YouTube at ang CD player namin dito hahaha... I super love this song!

9. Mistake - Oh, memories!

10. Give Your Heart A Break - After ng Skyscraper, ito naman ang sumunod na naging hit. I love the music video of this song. 

11. Skyscraper - "I will be rising from the ground like a skyscraper!" What a touching song! Maraming pinagdaanan si Demi and I think ibinuhos niya sa kantang ito ang lahat ng nararamdaman niya. Dito siya mas sumikat. Naging hit at chart-topper ito.

12. In Real Life - Oh, this song is so true! Reminds me of celebrities. Siguro nga, kapag sa isang love team, sa camera lang sila sweet, pero `pag hindi na kaharap ang camera, waley na. 

13. My Love Is Like A Star - full of love! haha 

14. For The Love Of A Daughter - Poprock `to. Isa si William Becket ang nag-compose ng song na `to. This song is about her biological father. They never had a good relationship. `Makes me cry. :(

15. Skyscraper Wizz Dumb Remix - so cool.

I so love Demi! Rock on, Demi! :)

Saturday, January 11, 2014

My Precious Star by Heidi Star

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 10:13 PM 0 comments

Date Approved: September 10, 2013
Date Published: December 04, 2013

Hindi ko inaasahan na mare-release agad ito, two weeks after na-release `yong una kong book, For The Love Of Charlie. Na-surprise ako. Pero super happy naman. Siguro bawat release ko ay para akong nakahithit ng marijuana hahaha nakaka-high ang makitang publish na ang novels mo. At dahil sa kuwentong ito nila Ocean at Star, natuto akong mag-reformat ng computer namin. Well, not totally. Nagawa ko naman siya kaso may kulang pa pala. hehehe... Nasa kalagitnaan na ako sa sinusulat ko nang masira PC namin, kailangang i-reformat so ako naman, feeling technician, go, go go! hahaha Basta matapos ko lang. Kapag hindi ko kasi nailalabas o naisusulat ang mga naiisip ko, parang sasabog utak ko, eh. Maganda naman ang result. Plus, the day after my birthday ito na-approve kaya super happy talaga ako. ♥

For The Love Of Charlie by Heidi Star

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 10:04 PM 0 comments

Date Approved: July 04, 2013
Date Published: November 19, 2013

Super happy ko nang malamang sa wakas ay approved na sa PHR ang nobela ko hahaha... Super tili at kilig sagad hanggang buto ako no'n, eh! Nagbunga ang pag-e-edit ko sa kuwentong ito nila Charlie at Amber. Habang tumatagal kasi, nag-iiba `yong plot kaysa sa una kong naisip kaya, bago, bago, bago, tanggal, tanggal, tanggal hahaha :D Halos mag-cartwheel ako sa sobrang tuwa, eh. First ever novel ko `to sa PHR. Nang ma-publish naman `to, aba'y dumoble ang tuwa ko! Nasa duty ako noon sa hospital, nakitingin ako sa cell phone ng ka-trainee ko na may Internet. At nagulat na lang ako nang malamang released na `to, pati ang pen name ko under PHR. Sa sobrang excitement nga umuwi ako ng bahay na naka-mask hahaha... 

Tyson And Sabrina by Starr Skye

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 9:52 PM 0 comments

Date Approved: December 16, 2011
Date Released: 29, 2012

Malapit nang matapos ang taong 2011 nang ma-approve `to, eh. Masaya pa rin ako na na-approve `to kahit hindi sa PHR kasi may pag-asa nang ma-publish `yong kuwento na ginawa ko hahaha... Sa notebook kasi ako nagsusulat muna, eh. Kaya nakakatuwa lang na isiping naka-print at hawak-hawak mo na siya sa kamay mo. At saka thankful din ako kasi nabigyan ng second chance `to. Noong una kasi, ipina-revise `to sa `kin, eh. Pero no'ng sumunod, sa Dream Love na nga siya na-approve. `Ayun. Hahaha Puro ako tawa.

Monday, January 6, 2014

Hala! Ngayon lang nag-update sa Blogger! hahaha

Posted by THE DIARY OF MARS H. MALLOW at 11:53 AM 0 comments
Natatawa ako. Ang tagal-tagal na ng blog kong ito, since 2010 pa, pero ngayon lang ako nakapag-post. I mean, `yong matinong post. Grabe pala. Nag-search pa ako sa Google kung paano ayusin ang mga ganito-ganyan para maging kaaya-aya naman ang hitsura ng blog site ko, chos! hahaha... Tinatamad din kasi akong mag-blog minsan. Hehehe... Ang alam ko lang, eh, magbasa nang blog nang may blog. Ang sarap kaya magbasa nang blog nang may blog, LOL!

So this is my very first post sa taong 2014. Yay! Ano ba'ng pinagsasasabi ko?

Anyways, Happy New Year! Babati pa rin ako kahit alam kong wala namang makakabasa nito dahil wala akong followers :D Hahaha...


 

The Diary Of Mars H. Mallow Copyright © 2011 Design by Ipietoon Blogger Template | web hosting